Home » Entertainment » Jackie Rice, nagtaray?

Jackie Rice, nagtaray?

By Robert R. Requintina

Muling binuhay ng mga mapagsamantalang netizens ang isang viral video kung saan makikita ang aktres na si Jackie Rice na tila nagtataray sa isang ginang na nagpapakuha ng picture sa kanya.

jackie rice

Hindi alam ng marami na ang video na ito ni Jackie ay halaw sa social experiment episode ng “Wish Ko Lang” noong 2014 pa.

Sa nasabing episode, may mga kabataang makikitang sumaklolo sa ginang na medyo naiiyak dahil sa pag-aasta ni Jackie.

Maya-maya pa ay lumapit na si Jackie sa mga kabataan para magpasalamat sa kabutihang asal at ipaalam na sila ay nasa “Wish Ko Lang.”

Pero iba na ang kinalabasan ng video na kumakalat ngayon. Edited na ito at hindi mo na mapapansin na kuha siya sa “Wish Ko Lang.” Ang portion na lamang na natira ay ang walang pakundangang pagtataray ni Jackie sa ginang na di umano’y gustong magpa-picture sa kanya.

Sa edited na video, makikita na ang ending ay sinugod ni Jackie ang isang tao na kumukuha ng cellphone video ng “fake” na pangyayari.

comments