Home » Entertainment » Timing » Swerte si Lola!

Swerte si Lola!

By Rowena Agilada

Suwerte ng isang 80-year old lola na pinangakuan ni Alden Richards ng monthly allowance. Nanalo si lola sa “Sugod Bahay” segment ng “Eat Bulaga.”

alden

Sa isang maliit na kuwarto ito nakatira. Paghuhugas ng pinggan ang ikinabubuhay nito. Naawa si Alden sa lola.

Aniya, nakita niya rito ang kanyang sariling lola.

Betrayed

As of this writing, wala pang reaction si Ara Mina sa post sa socmed ng isang nagngangalang Rina Navarro. Diumano, fiancee’ ito ng isang government official na nali-link kay Ara.

Bagaman hindi pinangalanan ang mga taong sangkot sa mahabang litanya ng naturang netizen, hula ng mga nakabasa’y si Ara at isang government official ang tinutukoy nito.

Ayon sa post ng female netizen (FN), sobrang na-hurt siya sa pagtraydor ng taong mahal niya at ng kaibigan niya na itinuring niyang kapatid.

Nabiyuda sa edad na 25 ang FN na akala niya, ang pagkamatay ng husband niya ang grabe at pinakamasakit na naranasan niya. She realize now “betrayal is even more painful than death.”

Malakas

Malakas ang screen chemistry nina Ken Chan at Arra San Agustin sa teleseryeng “The Cure.” Tinutukso nga sila ng co-stars nila kapag break time nila sa set ng naturang teleserye na napapanood weeknights sa GMA Telebabad.

May mga pagkakataong nahuhuling palihim na sinusulyapan ni Ken si Arra. Nako-conscious naman ang dalaga kapag tinutukso sila ng co-stars nila. Hindi naman ikinakaila ng binata na gandang-ganda siya sa mukha ni Arra.

Magkadebelopan kaya ang dalawa?

Fake news

Fake news ang lumabas na hindi na si Erik Matti ang magdidirek ng “Darna” movie na pagbibidahan ni Liza Soberano.

Nilinaw ni Matti na hindi siya nag-resign at siya pa rin ang direktor ng launching project ni Liza.

Ani Matti, hindi siya quitter. Kapag inumpisahan niya ang isang project, tatapusin niya dahil commitment ‘yun. So, there!

Natuwa naman si Liza and her fans dahil si Matti talaga ang gusto nilang mag-direk ng “Darna.”

comments