Home » Opinion » Alex-syon of the Day » May duwende sa estero

May duwende sa estero

By Alex Calleja

Ang column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

Hi Alex,
Baha na naman sa madaming lugar sa Metro Manila. Madaming nagsasabi na dahil sa basura daw yan na tinatapon sa mga estero at ilog. Meron kaming katabing estero sa bahay namin at madami talaga ang nagtatapon ng basura dito. Ano ba ang magandang gawin para mapigilan ang pagtapon ng basura sa estero sa tabi namin?

Jose ng Marikina

Hi Jose,
Kahit maglagay ka ng ng sign o babala eh hindi mo mapipigilan ang mga taong magtapon ng basura sa estero sa tabi niyo. Kahit maglagay ka pa ng tanod o pulis dyan, hihintayin lang nilang umalis yan, magtatapon na naman! Kailangan mong gumawa ng isang kwento para katakutan ang estero mo. Sabihin mo may nagpapakitang white lady o kaya may dwendeng nakatira sa estero na kapag natapunan ng basura, paparusahan ang nagtapon. Upload mo sa Facebook para kumalat.

Sigurado, matitigil yang mga nagtatapon ng basura!

Hi Alex,
Napansin ko lang, kapag nakakakita ako ng mga taong nag-aabang sa waiting shed, nakabukas pa rin ang payong nila.

Wala na naman ulan at mukhang hindi naman tumutulo ang bubong ng waiting shed pero bukas ang mga payong nila. Bakit po ba Kuya Alex?

Queenie ng Mandaluyong

Hi Queenie,
Dahil sa baha yan! Siguro may kotse ka kaya hindi mo pa nararanasan itong sasabihin ko sa’yo! Kapag baha kasi at may mabilis na sasakyan na dadaan sa baha, tumatalsik ito sa mga tao sa sidewalk! Mas madumi ito sa ulan dahil may halo ng putik! Mas mabaha dahil may halo ng ebak! Kaya payong ang depensa nila! Mas badtrip kapag nakaputi ka! Mapapamura ka!

Hi Alex,
Badtrip Kuya Alex! Ang sarap ng tulog ko dahil malakas ang ulan pero nagising ako dahil tumutulo yung bubong namin!

Ang daming butas! Nakakainis! Ano ba ang murang remedyo dito! Nakakistorbo sa tulog! Badtrip!

Percy ng Cainta

Hi Percy,
Ramdam ko ang badtrip mo pero madaming solusyon sa hardware. Dun ka magtanong. Kung mayaman ka, palit bubong para mas maganda! Wag ka ng ma-badtrip! Buti ikaw, butas lang ang bubong mo, yung kumpare ko, nagising, wala ng yung bubong! Hindi nilipad, ninakaw!

Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: alexcalleja1007@yahoo.comfacebook/twitter/instagram: alexcalleja1007

comments