Home » Entertainment » Timing » Thea, lie low muna

Thea, lie low muna

By Rowena Agilada

LIE-low muna sa showbiz si Thea Tolentino dahil nagpapagaling pa siya. Kamakailan ay naoperahan si Thea sa kanyang magkabilang dibdib.

thea tolentino

Anim na bukol ang tinanggal na mabuti naman at hindi cancerous ang mga ‘yun.

Kuwento ni Thea kay Rhea Santos sa “Tunay na Buhay,” habang ginagawa ang procedure ay gising siya, kaya nakita niya ang pagtanggal ng mga bukol sa magkabilang dibdib niya.

Aniya, talagang ni-request niya sa doktor na gising siya habang isinasagawa ang procedure.

Mukhang ate?

Hindi matanggap ng GabRu fans nina Gabbi Garcia at Ruru Madrid na nali-link ang huli kay Valeen Montenegro. Hindi raw bagay dahil mukhang ate ni Ruru si Valeen.

Valeen is 28 years old, 21 naman si Ruru. Sa pagkaalam namin, may non-showbiz boyfriend si Valeen.

Kung nali-link si Ruru kay Valeen, nali-link naman si Gabbi kay Khalil Ramos. Buwag na ang GabRu love team. To each his own na ngayon sina Gabbi at Ruru.

Pang-porma

Naisakay na kaya ni Jak Roberto si Barbie Forteza sa bagong bili niyang motorcycle? Classy at nakaka-macho tingnan ang brand-new, sleek and big motorcycle nito na kulay black.

Ani Jak, talagang pinag-ipunan niya talaga ang motorcycle. Matagal na raw niya pangarap magkaroon ng ganitong sasakyan.

Kung may bagong motorcycle si Jak, nakabili naman ang kapatid niyang si Sanya Lopez ng brand-new car.

Pinag-iipunan naman nila ngayon ang pambili ng sariling bahay. Sa ngayon ay nangungupahan sila sa isang apartment somewhere sa QC.

Kapamilya na

Kapamilya na si Raymart Santiago. Matapos ang maraming taong pagiging Kapuso, nag-ober da bakod na si Raymart sa ABS-CBN.

Kasama ang aktor sa upcoming teleserye na pagbibidahan ni Judy Ann Santos. Napag-alaman naming nagte-taping na si Raymart.

Siguro naman, naging maayos ang paglipat ni Santiago sa Kapamilya Network. Tapos na ang kontrata niya sa GMA7 and apparently, hindi siya nag-renew.

comments