Home » Entertainment » Timing » Huwag pangunahan

Huwag pangunahan

By Rowena Agilada

‘PATOLA’ rin pala itong si Jeric Gonzales. Isang netizen ang nag-tweet sa kanya na huwag niyang itago si Pauline Mendoza. Kung tunay siyang lalaki, dapat daw ay ipagmalaki niya ito.

jeric gonzales

Tila nag-assume ang netizen na may relasyon ang dalawa.

Buwelta ni Jeric, huwag silang pangunahan kung hindi pa sigurado sa isang bagay. Maghintay daw na manggaling sa kanila kung anuman meron sila ngayon ni Pauline.

Magkaroon naman daw ng respeto. “Karapatan namin magsalita kung kailan namin gusto o hindi,” bahagi ng tweet ni Jeric.

Nali-link din si Jeric kay Kyline Alcantara. Sino kaya kina Kyline at Pauline ang mas malapit sa puso ni Jeric? Ma at pa? Sabi nga niya, huwag silang pangunahan. Sige na nga!

Role model

Perfect role model si Myrtle Sarrosa. Nagawa niyang balansehin ang showbiz career at pag-aaral. Pinagsikapan niyang makatapos at take note, cum laude graduate siya sa kursong Business Communications mula sa University of the Philippines.

“Education is very important. I always get new knowledge. I know, my showbiz career is not forever, kaya kailangan may fall back ako,” ani Myrtle.

Nag-put up siya ng business. Meron siyang franchise ng Potato Corner sa Blumentritt at meron siyang food and beverages stall sa Mandaluyong.

Kinilig

Memorable kina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang Palawan. Paborito nilang binabalik-balikan ang lugar dahil marami silang beautiful and unforgettable memories doon.

Sa Palawan sila nag-taping ng “Dyesebel.” Binata’t dalaga pa noon sina Dingdong at Marian. Kilig-kiligan pa sila sa isa’t isa.

Ngayong Father’s Day, kung natuloy ang balak ng mag-asawa ay nasa Palawan sila, kasama ang anak nilang si Zia.

Masundan na kaya nila si Zia? Hoping ang mag-asawa dahil matagal na raw humihiling ng kapatid ang bagets.

Kilig-kiligan nga pala si Dingdong nang bigyan siya ni Marian ng blue roses bilang pagbati sa kanya ngayong Father’s Day. Anang Kapuso Primetime King, ang sarap daw pala ng pakiramdam na nakatanggap ng flowers mula sa kanyang beautiful wife.

comments