Home » Entertainment » Timing » Nagkabati na!

Nagkabati na!

By Rowena Agilada

Mabuti naman at hindi na pinalaki ni Elizabeth Oropesa at Azenith Briones ang kanilang away. Muntik nang masira ang kanilang friendship nang dahil lang sa alahas.

Azenith Briones

Sa phone patch interview kina Azenith at Elizabeth sa radio program na “Showbiz Talk Ganern” sa DZRH, nag-sorry si Elizabeth kay Azenith. Inamin niya ang pagkuha ng isang pares ng hikaw sa bag ni Azenith na nakita din naman sa CCTV camera.

Ani Elizabeth, hindi niya dapat ginawa ‘yun at pinagsisihan niya.

Ayon naman kay Azenith, kung ang Diyos nga’y nagpatawad, sino ba siya para hindi niya patawarin ang kanyang kaibigan?

Aniya, gusto lang niyang lumabas ang katotohanan at aminin ni Elizabeth ang pagkakamali.

Una rito, nagbanta si Elizabeth na idedemanda niya si Azenith dahil na rin sa kumalat na balita.

Ani Azenith, kung nakapagsalita man siya na ikinasakit ng kalooban ni Elizabeth, eh ’yun ay dahil kumpirmado niya na kinuha nga nito ang alahas sa kanyang bag na hindi ipinaalam sa kanya.

Kapuso na?

Maugong ang balitang diumano’y lilipat na si Rayver Cruz sa GMA7. Nagpa-release si Rayver ng kontrata niya sa Star Magic at pinayagan naman siya.

Ang sabi, gustong makatrabaho ni Rayver si Janine Gutierrez, kaya gusto nitong lumipat sa GMA7.

Well, ang nagagawa nga naman ng pag-ibig.

Kapuso rin ang nakakatandang kapatid ni Rayver na si Rodjun Cruz.

Balik-trabaho

Matapos mag-guest sa “Lip Sync Battle,” mag-ge-guest naman si Kylie Padilla sa “The Cure.” Mukhang astig ang karakter na binuo para sa kanya sa show. Tiyak na mapapasabak siya sa mga maaaksiyong eksena.

Kung balik-trabaho na si Kylie ito ay dahil 10 months old na ang anak nila ni Aljur Abrenica na si Alas Joaquin.

comments