Home » News » News Roundup » New Roundup » Metro News » Dating detainee binaril

Dating detainee binaril

By Kate Javier

Patay ang isang dating detainee habang isang senior citizen ang tinamaan ng stray bullet nang umatake ang dalawang hindi kilalang lalaki sa Malabon City noong Lunes.

Ayon sa police, dead on the spot si Anthony de Jose, 28, ng Barangay Tañong, Malabon, dahil sa tinamong tama ng bala sa leeg.

Base sa initial investigation, nakatayo si De Jose sa 1st Street dakong 5 p.m. nang pagbabarilin siya ng dalawang hindi kilalang lalaki.

Tinamaan din ng bala ang 63-anyos na si Jesus Algunajota na noo’y naglilinis ng kaniyang motorcycle malapit sa crime scene.

Isinugod si Algunajota sa Tondo Medical Center kung saan siya kasalukuyang nagpapagaling.

comments