Home » Entertainment » Timing » Kris napatawad na si Bistek

Kris napatawad na si Bistek

FOR the love of Mayor Herbert Bautista, kayang i-give-up ni Kris Aquino kung sino siya. Aniya Kris, sinabi niya ito kay Mayor HB, pero parang kulang pa rin para sa chinitong politico.

Kris Aquino

Ayon pa kay Kris, ilang beses siyang idininay ni Mayor HB. Masakit man, pero kaya pa rin daw niyang mapatawad si Bistek kahit hindi ito nagso-sorry sa kanya.

“Forgiveness is a gift you give yourself. Forgiveness is not because that person ever said ‘I’m sorry.’ Forgiveness is not also because minahal ka ng taong ‘yun, but forgiveness comes because iniregalo mo sa sarili mo, dahil mabigat mabuhay na mayroon kang sama ng loob, lalo na sa minahal at mahal mo. You don’t have to hear the words ‘I’m sorry’ in order for you to forgive. I can forgive even if you don’t say sorry,” pahayag ni Kris sa mediacon ng “I Love You, Hater.”

“When you love, you also hate that person? “When you’re still capable of hating someone you once loved, that means there is still love. Pero kapag deadmabels ka na o care bears ka na sa buhay, that means naubos na ‘yung love. I still care about him. Ang wala na akong pakialam, ‘yung tatay ni Bimb para klaro tayo,” sabi ni Kris na ang tinutukoy, of course ay ang basketball player na si James Yap.

Payanig din ang sinabi niya na nang dahil sa pag-ibig, pinagsisihan niya ang nawalang R40-million sa kanya. Kaugnay ‘yun sa hatian ng properties nila ni James.

Nagkikislapan

Nag-effort talaga si Kris Aquino magbihis to-the-max noong mediacon ng “I Love You, Hater.” Halatang mamahalin ang kanyang damit at sapatos. Nagkikislapan ang kanyang mga alahas na aniya, katumbas ng tatlong condominium sa Wack Wack subdivision ang halaga. Bongga!

In any case, ani Kris, wish granted na sa kanyang comeback movie ay makatrabaho sina Joshua Garcia at Julia Barretto.

“Feeling ko, nakasandal ako sa pader. Marespeto sila at focused sa kanilang work.

Dagdag pa niya, “Amazing si Joshua. Fifteen to 20 years from now, he’ll become one of the greatest actors. Magaling din si Julia at maganda,” ani Kris.

Directed by Giselle Andres, ang “I Love You, Hater” ay magbubukas sa mga sinehan nationwide on July 11.

comments