Home » Entertainment » Brigitte de Joya, laglag sa droga

Brigitte de Joya, laglag sa droga

By Martin A. Sadongdong

Hindi na diumano pumalag ang dating bold star na si Brigitte de Joya (Michelle Comstock sa tunay na buhay) ng posasan siya ng mga pulis sa kanyang bahay sa Northville, Calulut Resettlement, San Fernando, Pampanga Huwebes, makaraan mahulihan ito ng walong sachet ng shabu pagkatapos ng isinagawang buy-bust operation.

Brigitte De Joya

Kasama ring nahuli ang live-in partner ni De Joya na kinilalang si Bong Guevarra.

Ayon kay Chief Superintendent Amador Corpus, regional director ng Central Luzon Police Office (PRO-3), matagal na nilang minamanmanan ang kilos ni De Joya at ng partner nito.

Kilala umano ang dalawa na tulak sa lugar.

Sasampahan ang dalawa ng kasong possession of illegal drugs sa ilalim ng Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sumikat si De Joya ng nakalipas na dekada pagkatapos itong lumabas sa sunud-sunod na sexy films, kabilang na ang “Kangkong” at “Gigil.”

Nagretiro siya sa pelikula matapos mapangasawa ang dating sexy actor na si Miguel Moreno.

Huling napabalita si De Joya noong 2013, nang magsampa ito ng rekla-mong pang-a-abuso laban kay Moreno.

comments