By Rowena Agilada
SALUDO kami sa pagiging generous ni Luis Manzano. Hindi na mabilang ang maraming taong natulungan niya, financially and otherwise.
Sa nakaraang episode ng “I Can See Your Voice,” isang contestant ang pinangakuan ni Luis na sasagutin niya ang six months dialysis nito. May kidney failure ito at jobless. Ang misis lang nito ang nagtatrabaho at hindi sapat ang kinikita para sa kanilang pamilya at pambayad sa dialysis ng mister.
No wonder, patuloy ang dating ng blessings kay Luis dahil marunong siyang mag-share ng blessings. Mabuhay ka, Manzano!
By the way, sa Europe nag-celebrate ng second anniversary as sweethearts sina Luis at Jessy Mendiola. Mistulang honeymooners sila sa mga ipinost nilang photos sa socmed. “Howhow” ang term of endearment ni Luis kay Jessy. Kasal na lang ang kulang sa kanilang relasyon.
Kundisyon
May kundisyon pala si Robin Padilla bago niya pinayagan si Mariel Rodriguez na bumalik sa “It’s Showtime.” Hindi dapat pabayaan ng wifey niya ang anak nilang si Isabella.
Hands-on mom si Mariel at talagang nakatutok siya kay Isabella. Sa pagbalik-trabaho niya, kinausap ni Mariel ang kanyang lolo’t lola para bantayan si Isabella kahit may yaya ito.
Nagpalagay pa siya ng video cameras sa bawat sulok ng bahay nila para malaman ang bawat galaw ng bagets. May ganu’n?
Banta
Nagbabanta ang fans ni Yasmien Kurdi kay Jackie Rice. Kapag nakita nila ang tisay na aktres, humanda ito sa kanilang mga sampal at sabunot. Bilang ganti raw nila ‘yun sa pananakit at pang-aapi ni Jackie sa kanilang idolo.
Affected ang fans sa sobrang kasamaan ni Jackie sa karakter na ginagampanan niya bilang Ava sa “Hindi Ko Kayang Iwan Ka.” Aniya, it’s just a role at trabaho lang ang ginagawa niya. Sana raw ay maintindihan ‘yun ng fans.
Baby girl
Two months old na ang baby girl ni JC de Vera na anak niya sa kanyang non-showbiz girlfriend. Kamakailan ay bininyagan ang bagets na Lana ang name. Ani JC, mas naging responsible siya ngayong tatay na siya.
Mas lalo siyang nagpupursige sa pagtatrabaho para sa kanyang mag-ina. Aniya, mas lalo siyang naging dedicated sa work, mas naging energetic dahil sa kanyang daughter.
Okay, fine!
929387 63041This post contains excellent original thinking. The informational content material here proves that points arent so black and white. I feel smarter from just reading this. 398620
937118 19108i was just browsing along and came upon your site. just wantd to say excellent job and this post truly helped me. 190541
657451 68271I agree together with your points , fantastic post. 381434
466545 565722I see that you are making use of WordPress on your weblog, wordpress will be the best. :~- 703567
584398 71920Id constantly want to be update on new content on this site, bookmarked! 603393
705986 825004In the event you tow a definite caravan nor van movie trailer your entire family pretty soon get exposed towards the down sides towards preventing greatest securely region. awnings 798194