Home » Opinion » The Sexy Mind Answers » Huwag mong pigilan

Huwag mong pigilan

By Rica Cruz

Hi Ms. Cruz,
From time to time, nagkakaroon ako ng urge na mag-pamasahe kapag stressed ako. Wholesome na masahe lang naman ang gusto ko. Kaya lang, mabilis kasi akong ma-arouse kapag nahahawakan at nahihimas lalo na sa masahe. Parang nakakahiya kasi kung titigasan ako hindi ko na matatago. Baka po isipin kasi manyakis ako. Paano po kaya ang puwede kong gawin tungkol dito?

Salamat po,

Brown Bag

Dear Brown Bag,
Totoong napakasarap mag-indulge sa isang full body massage pagkatapos ng isang stressful na araw. Kahit ako minsan, I look forward to ending my long day with a nice massage. Nakakatulong talaga siya sa pagtatanggal ng iyong stress.

Very understandable ang iyong worry na titigasan ka. Normal kasi iyon as part of anatomy and physiology. Sa training, dinidiscuss ito sa mga masahista dahil nga sa pagiging natural response sa masahe.

Your body will relax during a massage. Other responses can be iyong nakakatulog, tumutulo laway, or nauutot. Usually, these responses are also viewed as medyo nakakahiya pero kung iisipin mo, ang goal mo kasi ay makapag-relax kaya tulad ng iyong erection, sign ito na nag-rerelax nga ang iyong body.

Huwag mo kaaga di-associate na negative titignan kapag tinigasan ka. Lalo na dahil I believe, madalas itong na-e-encounter ng mga masahista sa kanilang propesyon.

Ang erection ay may iba’t-ibang trigger points apart from being sexual in nature. Pwede itong mangyari habang ikaw ay natutulog, merong iba na because of anger, fear, or in the case of massages, relaxation. Touch can be a trigger point and these reflexive erections naman can subside after a few minutes.

If it makes you feel comfortable, pwede mo namang warningan agad si ateng masahista para hindi siya magulat kung tatayo si Manoy. I know other people who would wear tight bikini briefs as a way to solve this.

Pero at the end of the day, your goal is to be stress free. Kaya huwag mo nang masyadong isipin iyon. Allow yourself to relax, you deserve it.

With love and lust,

Rica

* * *

If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me atwww.facebook.com/TheSexyMind
Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Marriage Counselor, and, Sex and Relationships Therapist. She comes out as the Resident Psychologist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.

comments