Home » Opinion » Alex-syon of the Day » Yabag sa hatinggabi

Yabag sa hatinggabi

By Alex Calleja

Ang column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

Hi Alex,
Malaking pera po ang napanalunan ko sa lotto. Madami ang nagsasabi sa akin na mamuhunan ako negosyo o kaya naman ay mag-invest. Habang nag-iisip ako, gusto kong itabi muna ito sa bangko. Tama po ba ang gagawin ko?
Owen ng Binondo

Hi Owen,
Mahirap makialam basta usaping pera. Mahirap kapag nalugi ka sa negosyo o kaya sa investment. Maganda talagang ilagay sa bangko. Pero ang nakakainis lang sa bangko, kapag diniposito mo ang pera mo, ang daming hihingin sayong requirements at IDs. Nakakapagtaka lang dahil ikaw na nga ang magbibigay ng pera, sila pa ang madaming hinihingi! Hindi kaya dapat sila ang magpakita ng requirements at IDs. Tapos kapag magwi-withdraw ka na, ang hirap, kailangan mo magpakita ng mga IDs! Pera mo, pahihirapan ka bago makuha! Kapag nagsara pa, konti lang ang mababawi mong pera! Kaya mahirap magpayo! Kung ako sa’yo, sa kin mo na lang ipatago! Kung gusto mo lang naman!

Hi Alex,
Buntis ang misis ko at kabuwanan niya. Naniniwala ang mga biyenan ko sa aswang o tiktik. Ayaw ko sana maniwala pero madalas ako makarinig ng yabag sa bubong ng bahay namin sa hating-gabi. Nakakarinig din ako ng kakaibang ingay na parang akala ko mo umuungol pero maliit lang na boses. Minsan hindi lang isa, dalawa ang naririnig kong yabag at palaging hating-gabi. Natatakot ang misis ko. Totoo ba ang aswang o tiktik?
Naniniwala ba kayo sa aswang at tiktik?
Gabby ng Obando

Hi Gabby,
Hindi totoo ang aswang at tiktik at hindi ako naniniwala dun! Kung totoo yan, may nakapag-video na dyan o nakita sa CCTV! Saka sa sobrang dami ng adik, sa tingin mo, hindi idadamay ng gobyerno yan! Adik nga napapatay eh, aswang o tiktik pa! Matotokhang sila kapag nakita sila pakalat-kalat sa gabi! Saka, sa bubong ka maglalakad, delikado yan! Makukuryente yang aswang at tiktik na yan! Yung barkada ko nagsampay lang sa bubong, nakuryente. Yung naririnig mo mga yabag sa hating-gabi, magsyota yun! Nagtitipid kaya sa bubong na lang naglandian na parang mga pusang gala! Kaya nga nakakarinig ka ng mga ungol!

Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: alexcalleja1007@yahoo.com
facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007

comments