Home » Opinion » Olive oil as lubricant

Olive oil as lubricant

Dear Ma’am Rica,

Meron po akong online boyfriend na taga-Spain. Masaya naman po kami despite the long distance relationship pero nagkikita naman po kami regularly. Lately, napapag-usapan po naming ang anal sex at open naman po ako sa idea. Medyo excited nga po ako. Meron po siyang olive oil collection and I am thinking we can use that as lubricant. Safe po bang gamitinito as lubricant? Thank you!

Spanish Bread

Hi Spanish Bread,

Wow for anal sex! Hindi lahat ng couples are willing to explore that in sexual relationships. Hooray for you and your Spain-based boyfriend!

Hopefully din ay you are able to manage long distance well. Same with anal sex, hindi nagwo-work sa lahat ang ganyang setup. So keep up the good work!

Kailangan mo ng magandang lubricant when exploring anal sex. It makes it more pleasurable and nagpapababa ito ng chance ng pagbe-break ng condom. Nagpro-protekta din ito ng mga sensitive na tissue sa loob.

Pero kung latex material yung condom, kailangan mong umiwas sa olive oil or other oil-based na mga lubricants. Nagiging dahilan ito ng pagbreak down ng latex material. Mas maigi to look for water based or silicone-based lubricants in the market.

Otherwise, pwede ninyo rin i-explore ang polyurethane condoms if you insist on using olive oil as your lubricant. Pero kailangan niyong mag-ingat kasi ang olive oil may cause to clog pores or pwede ding mag-lead into infection or irritation lalo na kung papasok ito sa iyong puwerta or sa vagina.

Ito ay mas safe for external use kagaya ng penis or iba pang foreplay na gusto ninyong gawin. Maganda itong gamitin for massage in other parts of your body. I am sure that you can use olive oil in different aspects of your sexual relationship.

Aside from being protected during anal sex, importante din ang pag-stimulate ng iba pang erogenous zones para mas pleasurable sa inyong dalawa. Talk about what helps in your desire and arousal at kung paano ka magiging mas relaxed during the deed!

Also, huwag kakalimutang magpalit ng condom after anal sex o kung from anal ay ipapasok ang penis sa iyong vaginal area.

Mas malaki ang chances ng infection kung hindi mo ito papalitan. If in case of any irritation or infection, do consult with a health care professional or your doctor. Other than that, have fun back there! #takeitfromthesexymind

With love and lust,
Rica

* * *

If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me at www.facebook.com/TheSexyMind.

Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Marriage Counselor, and, Couples and Sex Therapist. She comes out as the Resident Psychologist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.

comments