Home » Opinion » Touch for the first time

Touch for the first time

By Rica Cruz

Hello Ma’am Rica,

Parehas kaming virgin ng boyfriend ko. Kaya naman excited din kami every time nage-explore kami ng sexual activity together. Minsan nanood kami ng sine at medyo naglakbay ‘yung kamay nya. Nilaro nya ‘yung vagina ko using his fingers. Medyo malaki yung kamay niya and mahaba yung mga daliri nya. After nung sine, pag-check ko sa panty ko, may dugo na. Hindi ko naman schedule na magkaron. Baka dahil sa ginawa namin. Naba-bother din ako kasi two days na akong dinudugo na parang meron ako. Kailangan ko na bang magpatingin? Natatakot ako e.

Free Ranger

Hello din sayo Ma’am Free Ranger,

Maganda ang page-explore with your partner ng inyong sexuality pero kailangan niyo ring magdahan-dahan sa inyong mga explorations. Proceed with caution kumbaga dahil may tendency na maging too over eager or overly excited.

I hope you take time to ask questions and get more information para maging ready kayo in taking steps. Having said that, I am looking forward for you to have more adventures and explorations.

Normal para sa ibang mga babae ang mag-bleed after having sexual intercourse for the first time. Bright ang pagkapula nito dahil sa pagkapunit ng hymen. Ito ay nagiging dark hanggang mawala within the several days.

Pwede ding na-scrape ng mga fingernails ng partner mo ang vaginal walls. Magandang magpatingin ka para ma-check kung may vaginal infection na pwedeng madevelop.

Makakatulong din na wala munang vaginal penetration or orgasm hanggang tumigil na ang pagdudugo ng vagina.

Pero kung babalik ito after ng next penetration or orgasm, then definitely kailangan mong magpunta sa iyong doctor for a check-up. Kung baliktad naman na dark agad na nagsimula ang bleeding, pwede ding from the cervix or uterus ito.

Para sa iyong peace of mind, magandang magpunta sa isang OB-GYNE para magpatingin. Mae-eliminate nito ang takot or pagkukuro-kuro sa mga nararamdaman mo.

Makakakuha ka din ng mas tamang feedback sa iba mo pang nararamdaman or kung safe ba para sa iyong kalusugan ang inyong mga iniisip na next sexual explorations. Good luck!

With love and lust,
Rica

* * *

If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me at www.facebook.com/TheSexyMind
(Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Marriage Counselor, and, Sex and Relationships Therapist. She comes out as the Resident Psychologist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.)

comments