Home » Entertainment » Winwyn, hindi pa handang magpakasal

Winwyn, hindi pa handang magpakasal

By Rowena Agilada

Ang Daddy Jun Magdangal ni Jolina Magdangal ang naalala namin nang sabihin ni Joey Marquez sa isang presscon na gusto niyang mag-asawa ang anak niyang si Teresita “Winwyn” Marquez kapag 45 years old na ito.

Sinabi noon ni Daddy Jun na gusto niyang mag-asawa si Jolina kapag 40 years old na ito. Hindi ‘yun natupad dahil thirty something si Jolina noong nag-asawa. She’s turning 40 in November this year at dalawa na ang anak nila ni Mark Escueta.
Winwyn is 26 years old now na aniya sa isang presscon, gusto niyang mag-asawa kapag thirty something na siya. Take note, Daddy Joey.

Ani Winwyn ,for now ay priority niya ang kanyang career. Sakaling mag-propose ng kasal si Mark Herras, hindi pa siya handang magpakasal sa kanyang boyfriend. Marami pa siyang gustong ma-achieve .

Suportado naman ni Mark ang kanyang Lady Love at willing siyang maghintay kung kailan ready na si Winwyn magpakasal sa kanya. She’s the one talaga for him and vice-versa.

Tinupad

Tinupad ni Vic Sotto ang pangako niya sa fan niyang si Rosario Perez from Lumban, Laguna. Ipinasundo niya ito kasama ang mga kapatid para manood ng “Eat Bulaga” last Saturday.

Labis ang tuwa ng magkakapatid sa importansiyang ibinigay sa kanila ni Vic. Sa front row sila pinaupo. May pa-bouquet of flowers at EB anniversary t-shirts na ibinigay sa magkakapatid. May photo op pa with Vic at EB Dabarkads.

Pinalakihan pa at ipina-frame with matching pirma ng EB Dabarkads ‘yung old photo ni Rosario kasama sina Vic at Senator Tito Sotto na kuha noong 1983 sa Broadcast City sa Tandang Sora, QC. Doon ginanap ang mga unang taon ng EB bago napunta sa ABS-CBN, then sa GMA7.

Di type

Walang lovelife ngayon ang isang singer at tinanong niya kami kung sino raw ba kaya ang pwedeng maging prospect? Natawa kami sa reaction nito nang banggitin namin ang name ng isang aktor. Napangiwi ito at para bang diring-diri na nagsabing hindi niya ito type dahil bansot.

Naguguwapuhan naman daw siya sa aktor at nagagalingan siya sa pag-arte. Pero walang attraction sa kanya ang guys na KSH (Kulang sa Height). Matangkad at mestizo ang type niya, ayon sa singer.

comments