Home » Entertainment » Gretchen Ho, naisahan sa London

Gretchen Ho, naisahan sa London

Nabiktima pala ng snatcher ang TV host na si Gretchen Ho habang nagsho-shopping ito sa Oxford St., London kamakailan.

Nagpunta si Ho sa London para i-cover ang “Ride London” na tinaguriang world’s biggest cycling festival.

Kuwento ni Ho sa ABS CBN News, nangyari ang pagnanakaw habang nagsusukat siya ng damit sa isang tindahan doon.

“Kahapon kasi nag-decide ako mag-alone time,” aniya.

Nakita pa raw ni Ho kung gaano kabilis kumilos ang salarin.

“Nakita ko pa ‘yung babae…nagkatinginan pa kami,” kuwento pa niya.

Dagdag ni Ho, maganda raw ang salarin.

“Sinasabi sa akin ng mga taga dito, madalas daw mukhang yayamanin ang mga nagnakaw, nakasuot pa ng suit,” ani Ho.

May lamang pera, passport, cellphone, at mga mahahalagang dokumento ang kaniyang bag.

Pasalamat si Ho at maraming Pinoy na taga-roon ang tumulong sa kaniya. (Delia Cuaresma)

comments