Home » Entertainment » Xander Ford, gusto nang mamatay?

Xander Ford, gusto nang mamatay?

Maugong ang balita na diumano’y “depressed” ang social media sensation na si Xander Ford, kilala dati bilang si Marlou Arizala.
Nagsimula ang tsismis nang kumalat nitong huli ang video niya na in-upload sa YouTube ng The Pinoy Channel.

Sa halos dalawang minutong video, maririnig si Ford na naghihimutok dahil sa matinding pambabatikos na natatanggap mula sa netizens.
Aniya, “Pagod na ako, lahat ginawa ko na. Pagod na pagod na pagod na pagod na ako.”

Kasunod nito, nagbigay ng mensahe sa netizens ang kasama niya sa video.

Saad nito, “Kay Xander kasi, pagod na siya sa panglalait niyo. Pagod na siya sa pang-iinis niyo…

“Bakit naman kasi kailangan niyo husgahan ang isang tao, pero hindi niyo pa naman nakakasama, di ba? Sawang-sawa na siya sa buhay niya dahil sa inyo…dahil sa mga panglalait niyo, sa mga ginagawa niyo sa kanya.”

Dagdag ni Ford, “Buti pa ‘yung ibang tao kasi minamahal ka, e… ‘di tayo nirerespeto ng ibang tao, ng ibang babae. Ang tingin lang nila sa atin, walang kuwentang tao.”

Sabi pa ni Ford, “Pagod na pagod na ako, gusto ko nang mamatay.”

Hindi matukoy kung kailan ginawa ang video. (Delia Cuaresma)

comments