Home » Entertainment » Nora, kinalimutan ng mga anak?

Nora, kinalimutan ng mga anak?

By Rowena Agilada

Kumpleto ang mga anak ni Nora Aunor sa family gathering na ginanap sa bahay ni Lotlot de Leon somewhere sa Alabang last weekend. ‘Andu’n ang tunay na anak ng Superstar na si Ian at ang mga ampon niyang sina Matet, Kiko at Kenneth. Kasama nina Ian at Matet ang kanilang respective families.

Present din ang mga anak ni Lotlot na sina Janine, Jessica, Diego at Maxine. ‘Andu’n din si Rayver Cruz na kapamilya na rin ang turing at kasama sa group picture at ang Lebanese fiance’ ni Lotlot.

Nakakalungkot na wala si Nora. Binabale-wala na ba talaga siya ng mga anak niya? Wala na ba siyang halaga sa mga ito? Ulila na siyang lubos sa mga magulang at mga kapatid. Si Nora na lang ang natitirang buhay. Pati ba naman sa mga anak niya’y nangungulila ang superstar?

She’s not getting any younger. Kailangan ni Nora ng kalinga at pagmamahal ng mga anak niya. Sana’y maayos na kung anuman ang hindi pagkakaunawaan nilang mag-iina. It’s never too late.

Bakasyon-grande

Bakasyon-grande sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa Cambodia. Nag-iikot sila sa iba’t ibang templo roon na panay ang post nila sa socmed ng kanilang pictures.

Namasyal sila sa Angkor Wat, Angkor Thom, Phnom Kulen National Park at iba pang lugar. Kahit mainit ang panahon ngayon doon, enjoy sina Dennis at Jen sa pagpipiktoryal na ibinabahagi nila sa socmed.

Pagbalik nila sa Pilipinas, parehas si-lang magiging busy sa kanilang respective projects. Next month ay sisimulan ni Jen ang isang romcom series sa GMA na sa abroad ang taping.

Si Dennis naman ay may upcoming series kasama si Dingdong Dantes.

Naudlot

How true kaya na hindi na tuloy ang launching movie nina McCoy de Leon at Elisse Joson? Ang tsika, nagkaroon daw ng problema sa kanilang relasyon.

Kahit wala naman silang inamin na officially together sila, may mga nagsasabing may real-life romance sina McCoy at Elisse. How true na may third party involved sa kanilang break-up?

Hindi pa nga nailo-launch ang kanilang movie, bulilyaso na agad ang McLisse love team na promising pa naman.

comments