Home » Entertainment » KC may bagong boyfriend?

KC may bagong boyfriend?

10KC Concepcion copyC C
By Rowena Agilada

NR (No Reaction) si Sharon Cuneta sa expensive diamond wristwatch worth R21.7 million na ipinost ng daughter niyang si KC Concepcion sa socmed.

Pero nang ipost ni KC ang isang bouquet of Ecuadorian red roses na bumungad sa kanyang hotel room sa Los Angeles, USA kung saan siya nagbabakasyon ngayon, muntik nang ibuko ni Sharon kung sino ang guy na nagpapasaya ng puso ngayon ni KC. Obviously, kilala ng megastar ang suitor o bagong boyfriend ni KC.

Huling boyfriend ni KC ang football player na si Aly Borromeo.

Samantala, ang isang ex-BF ni KC na si Piolo Pascual ay nagpahayag na gusto niyang maka-work again ang dalaga. Okay kaya ‘yun kay KC?

On that note, gusto rin daw maka-work muli ni Papa P ang former ka-love team niyang si Judy Ann Santos. May material na raw na ang script ay sinulat nina direk Antoinette Jadaone at Irene Villamor. Game kaya si Juday na makatrabaho muli si Papa P?

Unwed father

At least, nagpakatotoo si Vance Larena na amining unwed father siya. Tinanong kasi siya sa presscon ng “Bakwit Boys” kung may anak na siya.

Stage actor si Vance. Pinag-audition siya ng producer ng T-Rex Entertainment na si Rex Tiri para makasama sa “Bakwit Boys.” Pumasa siya kay Direk Jason Paul Laxamana, kaya nakasama siya sa cast.

Kung hindi nag-artista si Vance, pinangarap niyang maging lawyer. Nag-aral siya ng Law sa San Beda College, pero hindi siya nakatapos dahil nag-artista siya.

More than 10 years na siya bilang stage actor. Unang pelikula ni Vance ang “Bar Boys.” Nag-extra siya sa ilang indie films. First major role niya sa “Bakwit Boys” na entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino.

Asked kung magaling ba siyang aktor, “Oo, magaling ako!” confident na sagot ni Vance.

Tomboyita?

Pinaghihinalaang tomboyita ang isang magaling na young actress (MYA). Malapit nang mag-liyebo tres si MYA, pero wala pa rin itong boyfriend. Wala ring nababalitang may nanliligaw. Ang pakiyeme ni MYA, ayaw niyang mag-entertain ng suitors dahil career ang focus niya.

Nagkaroon siya noon ng showbiz BF, pero hindi sila nagtagal. Matapos silang mag-break, hindi na nakipag-BF si MYA. May mga aktor na na-link sa kanya, pero nauwi sa friendzone.

BFF ni MYA ang isang aktres na madalas silang magkasama sa kanilang trips here and abroad.

comments