Home » Entertainment » CJ Ramos, nakalabas na

CJ Ramos, nakalabas na

Nakalabas na pala ng kulungan ang dating child actor na si CJ Ramos.

Ibinalita ito ng half-brother niya na si Sherwin Ordoñez.

Sa kuwento ni Sherwin, nitong Huwebes ng hapon nakalabas si CJ.

Ani Sherwin, naghain sila ng motion to reduce bail para mailabas si CJ.

Sa kabutihang palad, pinagbigyan ng korte ang kanilang mosyon.

Nahuli ng mga awtoridad si CJ sa isang buy-bust operation sa may Tandang Sora, Quezon City, noong July 31 ng gabi.

Aminado si CJ na gumagamit siya ng droga.

Nangako siyang magbabagong buhay. (Delia Cuaresma)

comments