Home » Entertainment » Keanna, nang-imbyerna?

Keanna, nang-imbyerna?

Sinampahan ito ng kasong cyberlibel ng isang businesswoman matapos daw diumano lait-laitin ng una ang huli via social media.

Ayon sa report sa “24 Oras” nagsimula ang lahat matapos mag-perform si Keanna sa isang food park sa Laguna noong July 14 sa pag-imbita rin ng same businesswoman.

Diumano’y nabayaran na at lahat plus ang pamasahe pauwi, nagtatalak pa daw diumano itong si Keanna against the businesswoman, na nakilalang si Nancy Dimaranan dahilan upang magsampa ito ng kaso.

Ani Nancy, “Wala po kaming kontrata na ihahatid ko po siya kung saan nila gustong pumunta. Humingi pa po sila sa akin ng R1,500 na pang-taxi po nila, the fact na bayad din po ‘yung talent fee nila including the food and drinks.”

Ayon sa kaniya, in total binigyan niya si Keanna nang R5,000 as talent fee plus R1,500 na pamasahe.

Wala daw problema roon. Ang kinainis niya ay pag Facebook Live nitong si Keanna kung saan pinagsalitaan siya nito ng masasakit.

“Nilalait pa po niya ako, sinasabi niya na bakla, baboy, unggoy, demonyo, kriminal at kung ano-ano pa po,” sabi ni Nancy.
Hindi natinag si Keanna, huh?

Handa raw niyang harapin ang kaso at magsasampa rin daw siya ng reklamo laban sa may-ari ng food park.

Ani nito, “14 years na ako (sa industriya) ngayon lang ako nabastos.” (Delia Cuaresma)

comments