Home » Entertainment » Namiss ang kuwentuhan

Namiss ang kuwentuhan

Kitang-kita ang nakakatuwang chemistry ng Kapuso stars na sina Kylie Padilla, Sanya Lopez at Gabbi Garcia nang muli silang pagsama-samahin para sa episode ng GMA program na “Daig Kayo Ng Lola Ko” kung saan gumaganap sila na magkaka-patid na mangkukulam.

Para kay Sanya, resulta ito ng sobra nilang pagkakamiss sa isa’t isa.

Sa katunayan, tuwing hindi nga raw sila nagshu-shoot sa set, todo ang chikahan nila tulad noong magkakatrabaho sila sa GMA telefantasya na “Encantadia.”

Dagdag pa ni Sanya, namiss niya ang bigayan nila ng advice sa isa’t isa sa tuwing may problema ito.

Oh, ‘di ba? Para talagang magkakapatid na ang turingan nila?

comments