Home » Entertainment » Quest, planong gawan ng kanta ang mananalo sa ‘The Clash’

Quest, planong gawan ng kanta ang mananalo sa ‘The Clash’

Laban kung laban at ‘wag susuko ang nais iparating ng OST ng “The Clash” na pinamagatang “Mangarap Ka, Laban Pa.” Kaya naman ito na ngayon ang paboritong kinakanta ng mga Kapuso viewers na tutok na tutok sa singing competition ng GMA.

Pero para sa lumikha nito na si Quest, balita namin ay plano rin daw niyang gawan ng kanta ang mananalo sa nasabing patimpalak. Nako, ibig sabihin may panibagong kapananabikan ang mga manunuod!

Pero sa higpit ng labanan sa “The Clash,” hindi maitatangging nahihirapan ang Clash Panel nito na sina Christian Bautista, Ai-Ai delas Alas at Lani Misalucha sa pagpili kung sino ba ang karapat-dapat na tanghaling kauna-unahang champion sa nasabing kumpetisyon.

Sino nga kaya sa kanila ang tatanghaling unang kampeon?

Well, patuloy na lang ninyong tutukan ang “The Clash” tuwing Sabado at Linggo sa GMA.

comments