Home » Entertainment » Sharon-Richard reunion movie, naudlot

Sharon-Richard reunion movie, naudlot

Balitang hindi na muna itutuloy ang reunion movie nina Sharon Cuneta at Richard Gomez sa Star Cinema. Huwag sanang ikadismaya ito ni Sharon, gaya ng naramdaman niya sa pagkaudlot ng reunion movie sana nila ni Gabby Concepcion.

Diumano, hindi pa maisingit ni Richard sa kanyang schedule ang paggawa muli ng pelikula dahil sa rami ng responsibilidad niya bilang mayor ng Ormoc City. Priority niya ang pagiging public servant.

May mga nagsa-suggest na sa Ormoc City i-shoot ang movie para hindi siya mahirapan. Ang siste, okay naman kaya ‘yun kay Sharon?

Umamin kaya?

Si Kiko Estrada ba ang boyfriend ni Devon Seron? Sa presscon ng “Bakwit Boys,” inamin ni Devon na may someone special siya. Kapuso actor daw ‘yun. Pero tumanggi siyang pangalanan. Secret daw, pakiyeme pa ni Devon.

Sa respective socmeds nila ni Kiko, panay ang post nila ng pictures nila together. Ang latest ay magka-holding hands sila sa isang mall.

Nagkatrabaho sina Kiko at Devon sa pelikulang “Walwal” at du’n nagsimula ang magandang friendship nila, hanggang na-fall sila sa isa’t isa.

Umamin na si Devon na Kapuso actor ang someone special niya. Umamin kaya si Kiko na siya nga ‘yun? Bagong Kapuso si Devon at may upcoming project siya sa GMA7.

Kung hindi pala nag-artista si Devon, gusto niyang maging architect. Mahilig daw kasi siyang mag-drawing. Pinangarap niyang siya ang mag-design ng dream house niya for her family.

May lovelife

Malou Quintana ang name ng non-showbiz girlfriend ni Joey Marquez. Ito kaya ‘yung bank teller na matagal na niyang karelasyon? May mga nagsasabi namang flight attendant ang GF ni Joey.

Hindi naman itinatago ni Joey ang GF niya dahil nagpo-post siya sa socmed ng pictures nila. Maganda ‘yung girl. Pleasant ang personality.

Kung happy ang lovelife ni Joey, zero naman ang sa ex-wife niyang si Alma Moreno. Sa isang interbyu, sinabi ni Alma na hindi na niya matandaan ang huling nagpasaya ng lovelife niya.

Ang mga anak niya ang nagpapasaya sa kanya ngayon at kumukumpleto ng buhay niya. Ang panganay niyang si Mark Anthony, anak niya sa yumaong action star na si Rudy Fernandez ay kasama niya ngayon sa bahay. Si Vandolph na anak naman ni Alma sa yumaong Comedy King na si Dolphy ay may sarili nang pamilya.

Sina Yeoj, Winwyn at Vito ang mga anak naman ni Alma kay Joey.

comments