Home » Entertainment » JoshLia, hindi mapigilan ang PDA

JoshLia, hindi mapigilan ang PDA

 

By ROWENA AGILADA

 

NAGKITA at nag-dinner pala sina Joshua Garcia at Dennis Padilla noong Father’s Day. Sinabi ito ni Joshua sa “Gandang Gabi Vice.” Hindi niya nabanggit kung kasama nila si Julia Barretto.

JOSHUA Garcia and Julia Barretto

JOSHUA Garcia and Julia Barretto

Sa isang interbyu kay Dennis, sinabi niyang hindi siya binati ni Julia noong nakaraang Father’s Day. Baka raw busy lang si Julia.

Ayon kay Joshua, sinabihan siya ni Dennis na huwag niyang sasaktan si Julia dahil kahit komedyante siya, magiging action star siya.

Believe naman si Joshua kay Marjorie Barretto bilang isang ina. Sana raw kapag naging tatay na siya balang-araw ay mai-apply niya sa mga magiging anak niya ang ginawang pagpapalaki ni Marjorie sa mga anak nito.

Sey naman ni Julia, parati siyang sinasabihan ni Marjorie na huwag naman sila masyadong mag-PDA (Public Display of Affection) ni Joshua. Si Joshua raw ang mahilig mag-PDA. Pero sa “Gandang Gabi Vice,” pa-touch-touch si Julia sa isang mata ni Joshua na tila may inaalis.

It seems, si girl ang mas in labey (in love) kay boy. Obvious sa kanilang body language. Sabi pa ni Julia, ayaw niyang magkahiwalay sila ni Joshua.

 

Tuloy na

 

Naayos na ang schedule ni Ormoc City Mayor Richard Gomez kaya tuloy na ang reunion movie nila ni Sharon Cuneta under Star Cinema. Pinamagatang “Three Words to Forever,” makakasama nila si Kathryn Bernardo, to be directed by Cathy Garcia-Molina.

Nag-story conference na last Sunday and anytime soon ay magsisimula na ang shooting. Ikinatuwa ito ng fans nina Sharon at Richard na excited nang mapanood ang balik-tambalan ng ex-sweethearts sa big screen.

First movie nila together ang “Buy One, Take One” under Viva Films 30 years ago. Last movie naman nila ang “Walang Kapalit” in 2003, directed by Joel Lamangan.

 

Magkakabalikan kaya?

 

Five months pregnant ang wife ni Mike Tan at wish niyang baby girl ang kanilang panganay. May reyna na raw siya, kaya gusto niyang magkaroon ng princess.

Ayaw pa ring ipakita sa socmed ni Mike ang picture ng kanyang wife. Ganu’n din kaya siya kapag lumabas na ang kanilang baby?

Malapit nang matapos ang “Hindi Ko Kayang Iwan Ka,” ilang taping days na lang ang natitira. Hindi masabi ni Mike kung magkakabalikan sila ni Thea (Yasmien Kurdi). Marami pa raw pasabog ang HKKIK hanggang katapusan nito.

 

comments