Home » Entertainment » Ken Chan, pagod na sa gay issue

Ken Chan, pagod na sa gay issue

 

By RUEL J. MENDOZA

KEN Chan

KEN Chan

PAGOD na raw ang Kapuso actor na si Ken Chan sa pagsagot tungkol sa gay issue na ibinabato sa kanya.

Tuwing may bagong project daw siya, parating tungkol sa kanyang sexuality ang nagiging tanong sa kanya, maging ang ilang mga netizen ay ang pagiging beki ang dinidiin sa kanya.

Kaya para raw matapos na ang gay issue sa kanya, naghahanap na raw ito ng magiging girlfriend niya.

Pero naisip din ni Ken na kung sapat na ba ang magkaroon siya ng girlfriend para tumigil na ang pamba-bash sa kanya?

Sey niya, “Magkaroon man ako, pagdududahan nila. Kapag wala ka namang girlfriend, kukuwestiyunin ka nila. So saan ba ako talaga lulugar?”

“Kaya ang magandang option, huwag mo na lang pansinin siguro. Basta confident ka sa pagkatao mo, kung ano pa ang sabihin nila won’t matter,” diin pa ni Ken na magbibida sa bagong GMA teleserye na “My Special Tatay.”

Three years ago pa raw ang last serious relationship si Ken. Naghiwalay daw sila ng girl dahil naging priority ng aktor ang kanyang career.

“My last girlfriend was a non-showbiz girl at nag-break kami when I got so busy doing ‘Destiny Rose’ and later, ‘Meant to Be.’ Napabayaan ko kasi siya. Wala akong time. Puro work lang. So ayokong maulit ‘yun kasi right after ‘The Cure,’ GMA said may isa pa akong assignment.

“Nasaktan din ako noong naghiwalay kami. Pero may mga dapat tayong isakripisyo sa buhay, ‘di ba?” emote pa ni Ken.

Sa role niya bilang mentally-challenged father sa “My Special Tatay,” itatambal siya kay Arra San Agustin na una niyang nakatambal sa “The Cure.”

“Nagkaroon kasi kami ng fanbase noong magtambal kami sa ‘The Cure.’ Nagustuhan nila ang chemistry namin ni Arra kaya heto, pinagsama ulit kami,” ngiti pa ni Ken na nakipag-immerse pa sa mga mentally-challenged patients para lalo niyang maintindihan ang role niya sa “My Special Tatay.”

 

 

comments