Home » Entertainment » Andre Paras, pinagtripan ang ama?

Andre Paras, pinagtripan ang ama?

ANDRE Paras making fun of his father Benjie. (IG)

ANDRE Paras making fun of his father Benjie. (IG)

 

By DELIA CUARESMA

 

NAKAKA-goodvibes ang recent Instagram post ng Clash-mate ni Joyce Pring na si Andre Paras noong weekend kung saan tila niloloko niya ang amang si Benjie Paras sa pagiging kalbo nito.

Kasabay kasi ang kanta ng international singer na si Rihanna, tinapatan ni Andre ang ulo ng ama ng flashlight mula sa kanyang cellphone na agad namang sinundan ng tingin ni Benjie.

Tawang-tawa rito ang almost 100,000 followers ni Andre. Pinalakpakan naman ang kanyang ama na si Benjie sa pagiging sport nito sa biro ng anak.

Speaking of, sobrang higpit na labanan sa kantahan ang nasaksihan ng Kapuso viewers sa pagitan nina Anthony at Bryan sa “The Clash” dahil isa ito sa pinagdebatehang topic online, ha!

May kanya-kanyang puntong sinabi ang mga netizens tungkol sa labang ito. Nalungkot man sila sa pagkakatanggal kay Bryan, sinuportahan naman nila ito at sinabihang sumali uli sa 2nd season ng “The Clash.”

Aba, hindi pa nga tapos ang 1st season, may bet na agad ang fans sa susunod na season. Pak na pak!

comments