Home » Entertainment » Robin, okay ang relasyon sa anak kay Leah Orosa

Robin, okay ang relasyon sa anak kay Leah Orosa

ROBIN Padilla with daughter Camille Orosa. (IG)

ROBIN Padilla with daughter Camille Orosa. (IG)

 

By RUEL J. MENDOZA

 

HINDI pala estranged si Robin Padil­la sa kan­yang anak sa dating aktres na si Leah Orosa.

Si Ca­mille Orosa ang masasa­bing pan­ganay na anak ni Robin. Nagkasa­ma sa 1990 action movie na “Sa Diyos Lang Ako Susuko” sina Robin at Lea. Bago pa man kinasal si Robin kay Liezl Sicangco, naipanganak na ni Lea si Camille.

Sa Amerika na lumaki si Camille at sa Insta­gram account nito na @camiiibella, makikita na maganda ang relasyon nito sa kanyang amang si Robin at sa misis nitong si Mariel Rodriguez.

Si Mariel actually ang naging daan kung bakit muling nagkita sina Robin at Camille noong 2014.

Isang digital strategist sa New York City si Camille at kapag may pagkakata­on ay nabibisita siya nila Robin at Mariel.

Min­san na­man ay ginulat ni Camille sina Robin at Mariel nang bumisita ito sa Pilipinas.

Ilang beses na ring naka-bonding ni Camille ang kanyang mga half-siblings na sina Queenie, Kylie, Zhen-Zhen, Ali at Maria Isabella Padilla.

Kasal naman na ngay­on si Leah Orosa kay An­tonio Garcia kung kanino merong apat na half-sib­lings si Camille.

Artistahin ang hitsura ni Camille, pero may magandang career ito sa NYC.

comments