By RUEL J. MENDOZA
HINDI pala estranged si Robin PadilĀla sa kanĀyang anak sa dating aktres na si Leah Orosa.
Si CaĀmille Orosa ang masasaĀbing panĀganay na anak ni Robin. NagkasaĀma sa 1990 action movie na āSa Diyos Lang Ako Susukoā sina Robin at Lea. Bago pa man kinasal si Robin kay Liezl Sicangco, naipanganak na ni Lea si Camille.
Sa Amerika na lumaki si Camille at sa InstaĀgram account nito na @camiiibella, makikita na maganda ang relasyon nito sa kanyang amang si Robin at sa misis nitong si Mariel Rodriguez.
Si Mariel actually ang naging daan kung bakit muling nagkita sina Robin at Camille noong 2014.
Isang digital strategist sa New York City si Camille at kapag may pagkakataĀon ay nabibisita siya nila Robin at Mariel.
MinĀsan naĀman ay ginulat ni Camille sina Robin at Mariel nang bumisita ito sa Pilipinas.
Ilang beses na ring naka-bonding ni Camille ang kanyang mga half-siblings na sina Queenie, Kylie, Zhen-Zhen, Ali at Maria Isabella Padilla.
Kasal naman na ngayĀon si Leah Orosa kay AnĀtonio Garcia kung kanino merong apat na half-sibĀlings si Camille.
Artistahin ang hitsura ni Camille, pero may magandang career ito sa NYC.