Home » Entertainment » Toni at Sam, nag-MU

Toni at Sam, nag-MU

 

By ROWENA AGILADA

SAM Milby and Toni Gonzaga (Twitter)

SAM Milby and Toni Gonzaga (Twitter)

 

NAGING mag-MU (mutual understanding) pala sina Toni Gonzaga at Sam Milby. Inamin ito ni Sam sa “Tonight with Boy Abunda.” Tinanong kasi si Sam ni Boy Abunda kung niligawan niya si Toni. Aniya, hindi sila naging officially together ni Toni, nag- MU lang sila.

Common knowledge na nili­gawan din ni Luis Manzano si Toni. Pero binasted siya. ‘Buti pa pala sina Sam at Toni, nag-MU. Si Luis, na-friend zone kay Toni.

Haba naman ng hair ni Toni. Two good-looking guys ang na-attract sa kanya. Pero si Direk Paul Soriano ang nag­wagi sa puso ni Toni. In all fair­ness, pogi si Direk Paul, huh!

Joke nga ni Alex Gonzaga, ano raw ba ang nakita ni Direk Paul sa Ate Toni niya? May bashers si Toni na pinipintasan ang mga mata niya. Kesyo, banlag o duling daw siya.

Ayon kay Alex, pinating­nan nila sa optalmolo­gist ang eyes ni Toni. Hindi na­man daw siya banlag o duling. Magkalapit lang daw ang mga mata niya. Hindi naman big deal ‘yun kay Toni. May maganda siyang career. Happy wife, happy life siya. Saan ka pa?

 

KATHRYN Bernardo and Daniel Padilla (IG)

KATHRYN Bernardo and Daniel Padilla (IG)

Hindi pa

 

Hindi pa bubu­wagin ang KathNiel love team nina Kath­ryn Ber­nardo at Daniel Padilla. Worried ang ka­nilang fans dahil sa upcom­ing movie ni Kathryn with Sha­ron Cun­eta and Richard Gomez titled “Three Words To For­ever” ay hindi kasama si Daniel. Anang fans, baka raw senyales ‘yun na paghihiwa­layin na ang KathNiel love team.

Super excited si Kathryn na maka-work sina Sharon at Richard. Si Cathy Garcia-Molina ang direktor na direktor din ng “The Hows of Us” na upcoming movie nina Kathryn at Daniel under Star Cinema.

Ayon kay Kathryn, gusto rin ni Daniel gumawa ng isang project na hindi siya kasama. Pero hindi ibig sabihin na mabubuwag na ang love team nila. May gagawin pa rin silang projects na magkasama sila. So, there!

 

MARTIN del Rosario (IG)

MARTIN del Rosario (IG)

Ayaw na

 

Ayaw na munang tumanggap ni Martin del Rosario ng gay role after “Born Beautiful.” Ayaw niyang ma-type cast sa ganu’ng role. Gusto niyang mag-explore sa iba’t ibang klase ng karakter.

Type ni Martin ang role niya sa “Hindi Ko Kayang Iwan Ka” na astig, maangas at tipong bad boy ang karakter niya. Sa nalalapit na pagtatapos ng GMA series, bumait na siya, pero astig at palaban pa rin.

comments