Home » Entertainment » CJ Ramos, balik-showbiz?

CJ Ramos, balik-showbiz?

 

By DELIA CUARESMA

COCO Martin and CJ Ramos (IG)

COCO Martin and CJ Ramos (IG)

 

MAG-A-ARTISTA na nga kaya muli si CJ Ramos, ang dating child star na nahuli sa isang drug operation kamakailan lang?

Diumano’y kinuha ang serbi­syo niya ng sikat na TV series na “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Ayon sa kuwento, si Coco Martin mismo ang personal na nag-imbita kay CJ upang lumabas sa show.

Nagpost din kamakailan si CJ sa Instagram ng larawan nilang dalawa ni Coco.

Aniya sa caption: “Boss #cocomartin #cjramos #ang­probinsyano #blessings #sec­ondchance #thankful #salamat­bosscoco @mr.cocomartin.”

Hmm, paano na ang kanyang problema sa droga?

Magpaparehab ba muna siya?

Anyway, bago pa si CJ, marami na ring natulungang personali­dad ang show ni Coco, kasama na ang komedyanteng si Whit­ney Tyson.

comments