Home » Entertainment » Kasado na?

Kasado na?

 

By DELIA CUARESMA

LUIS Manzano and Jessy Mendiola (IG)

LUIS Manzano and Jessy Mendiola (IG)

 

TILA nangangamoy kasalan na.

Ito ang tili ng mga fans ng sikat na mga showbiz personalities na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Apparently, may malaking dahilan kung bakit umugong muli ang tsismis.

Ito naman ay dahil sa pinaka-recent na Instagram post ni Luis mismo kung saan tila kinikiliti nito ang imahinasyon ng mga fans.

“Ano ang pinag-uusapan natin ngayon?” tanong ni Luis kay Jessy sa post.

Sagot ni Jessy: “Color theme… ng wedding.”

Nang itanong naman ni Luis kung kaninong wedding, sagot ni Jessy: “Natin.”

Hmmm, nagpapa-cute lang ba ang dalawa?

Oh well, kung sakali man raw na totoo, okay lang ito sa ina ni Luis na si Vilma Santos.

Aniyasa isang report sa “TV Patrol,” “Iniintay ko rin lang, wala naman akong tutol, eh.”

Eh ‘di magtawag na nang pari!

comments