Home » Entertainment » Nakakagigil!

Nakakagigil!

 

By DELIA CUARESMA

MARIEL de Leon (IG)

MARIEL de Leon (IG)

 

GRABE naman ang pakabog nitong si Mariel de Leon!

Taliwas sa inaasahan ng kanyang mga detractors, umani ng papuri ang dalaga makaraang mag-pose ito para sa FHM.

Ani ng mga bagong convert na mga fans, epitome daw of natural beauty itong si Mariel because of her natural curves.

Matatandaang nilait-lait ng ilan ang anak ng mga beteranong aktor na sina Christopher de Leon at Sandy Andolong noong sumali ito sa isang pageant dahil diumano sa katabaan nito.

Wa pake naman ang dalaga, bagkus ginamit niya pa ang panglalait bilang crusade of sorts aganist body shaming, hanggang sa tuluyan ngang ibuyangyang nito ang beauty niya for FHM.

Ngayon nga ay bising-bisi si Mariel. Katatapos niya lang gawin ang remake ng pelikulang “Patayin sa Sindak si Barbara” na ipapalabas sa Iflix. After, may sisimulan na naman siyang pelikula for Regal Films.

Bongga!

comments