Home » Entertainment » Nora-Vilma, may reunion movie?

Nora-Vilma, may reunion movie?

 

By ROWENA AGILADA

CONG. Vilma Santos-Recto and Nora Aunor

CONG. Vilma Santos-Recto and Nora Aunor

 

APRUB kay Congresswoman Vilma Santos-Recto na si Liza Soberano ang gumanap bilang Darna sa bagong version nito. Sa interbyu ng “TV Patrol,” sinabi ng actress-politician na kayang-kaya ni Liza gampanan ang karakter.

Ilang “Darna” series ang ginawa noon ni Cong. Vilma na pawang box-office hits. Big challenge kay Liza na maitatawidi niya ng bonggang-bongga ang pagiging bagong Darna.

Nagpahayag din si Cong. Vilma na miss na miss na niya ang showbiz. Gusto niyang gumawa ng pelikula. May reunion movie nga raw sila ni Nora Aunor. Hindi pa masimulan dahil may conflict pa sa schedule niya bilang public servant.

 

Launching movie

Kahit balitang break na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali, itinuloy pa rin ng APT Films ang kanilang launching

MIGUEL Tanfelix and Bianca Umali (FB)

MIGUEL Tanfelix and Bianca Umali (FB)

movie. Inililihim pa ang shooting, pero nalaman din ‘yun ng press. Secret din ang title ng movie, pati direktor at co-stars nina Miguel at Bianca.

Kasama raw dapat sa cast si Kyline Alcantara. Pero dahil may isyu sa kanila ni Bianca, nag-desisyon ang management ni Kyline na hindi na siya isama.

Nananatiling tahimik sina Miguel at Bianca sa diumano’y break-up nila. Tahimik din sina Bianca at Kyline sa isyu na diumano, si Kyline ang dahilan ng break-up nina Miguel at Bianca.

Hindi na kasi aktibo ang GMA Films sa paggawa ng pelikula, kaya ang APT Films ang sumugal sa launching movie nina Miguel at Bianca. Ipinu-push ng Kapuso Network ang kanilang love team.

 

LIZA Soberano

LIZA Soberano

Kanya-kanya na

Kanya-kanya na munang solo projects ang top three Kapamilya love teams na KathNiel, Jadine at LizQuen. Si Kathryn Bernardo ay kasama sa reunion movie nina Sharon Cuneta at Richard Gomez, ang “Three Words To Forever,” minus Daniel Padilla.

Busy na si Liza Soberano sa shooting ng launching movie niya, ang “Darna” na si Tony Labrusca ang katambal niya. Magpo-focus daw muna si Enrique sa kanyang pamilya.

Si James Reid naman ay magsisimula na sa isang pelikula na hindi si Nadine Lustre ang leading lady niya. May gagawin ding solo project si Nadine without James.

Malalaman ang magiging epekto sa kanilang respective careers kung kaya na nilang kumawala sa kanilang love teams. Mainam din naman ‘yung naitatambal sila sa ibang aktor o aktres.

comments