Home » Entertainment » Hindi muna

Hindi muna

 

SINAGOT na ni Willie Revillame ang tanong ng madlang pipol kung kakandidato ba siya sa 2019 mid-term elections? Anang TV host, matinding pag-iisip daw ang ginawa niya at nakapagdesisyon na siyang mananatili siyang host ng “Wowowin.”

Ani Willie, hindi niya kayang iwan ang kanyang programa na hindi lang layunin ang maghatid ng kasiyahan, kundi makatulong din sa mga tao.

Natuwa naman ang mga tagasubaybay at concerned friends ni Willie sa kanyang desisyon. Anila, kahit hindi mag-pulitika si Willie, maraming kapus-palad na kababayan natin ang natutulungan niya.

Tama!

Magpapakasal na?

May kasalan na nga kayang magaganap kina Luis Manzano at Jessy Mendiola? Sa IG story ni Luis, tinanong niya si Jessy kung ano’ng pinag-uusapan nila. Sagot naman ni Jessy, color theme ng kanilang wedding.

Pahiwatig na kaya ‘yun na magpapakasal na sila? O, hindi kaya nagdyo-joke lang sina Luis at Jessy?

Kung pareho si lang seryoso sa pagpapakasal, for sure, unang-unang matutuwa ang mommy ni Luis na si Congresswoman Vilma Santos-Recto. Gusto na niyang magkaapo at sabik na siyang maging lola.

Balik-artista

Saludo talaga kami kay Coco Martin. Binigyang-katuparan niya ang wish ni CJ Ramos na makabalik sa pag-aartista. Pasok na si CJ sa “Ang Probinsyano,” kaya sobrang thankful siya kay Coco sa pagkakataong ibinigay nito sa kanya. Ipinost ni CJ sa socmed ang photo nila ni Coco.

Ilang araw nakulong si CJ sa Caloocan Police Station dahil nahuli siya sa buy-bust operation na isinagawa ng mga awtoridad. Nanawagan si CJ na kapag nakalabas siya ng kulungan, gusto niyang mag-artista muli. Sana raw ay may magbigay sa kanya ng pagkakataon.

Nakarating ‘yun kay Coco at ipinasok siya sa serye nito na tatlong taon nang namamayagpag sa ere.

 

comments