Home » Entertainment » Sharon, Regine, magko-concert?

Sharon, Regine, magko-concert?

 

By ROWENA AGILADA

 

NILINAW ni Ogie Alcasid sa isang interbyu na hindi hinihikayat ni Sha­ron Cuneta na lu­mipat sa ABS-CBNang kan­yang asawang si Regine Velasquez.

Ito kasi ang hula ng iba ng magpost ang Megastar sa socmed ng, “Dalian mo na nga my luv ‘yan at tapusin na natin ang dapat tapusin! Para maka-tumbling na nang maayos!”

Ayon kay Ogie, ito daw ay tungkol sa balak na pag­samahang concert ng da­lawa.

Pinagdiinan ni Ogie na walang lipatan isyu. Pag­dating daw sa kanilang re­spective careers, hindi sila nagpapakialaman ng asawa niya.

So, there!

First Lady?

Kapag nagkataon, magiging First Lady si Heart Evangelista. May pahayag kasi si President Ro­drigo Duterte na sakaling magbitiw siya sa kanyang puwesto, ei­ther si Bong­

‘yun? Ano kaya’ng reaction ni Heart sa usaping ito? Na-imagine na kaya niya ang kan­yang sarili na magiging First Lady? Well….

Friends lang?

Palaisipan pa rin kung sino ang mystery guy na nagpapadala ng flowers kay Bea Binene. Sa isang interbyu sa good friend niyang si Kristoffer Martin, sinabi nito na may nagpapasaya ngayon ng puso ni Bea. Pero hindi ‘yun pina-ngalanan ni Kristoffer dahil ayaw niyang pangunahan si Bea.

Nali-link kay Bea ang Hashtags member na si Vitto Marquez. May mga nag-aaka­lang baka siya ang nagpa­padala ng flowers kay Bea. Sa isang interbyu, sinabi ni Vitto na friends lang sila ni Bea.

Pero inamin niyang may minamahal siyang taga-showbiz. Taga-kabilang network daw ito, referring to GMA7. Kapuso si Bea, di ba?

Anak si Vitto nina Joey Mar­quez at Alma Moreno.

 

comments