Home » Entertainment » Fans nagwala sa concert ng Parokya ni Edgar sa Bulacan

Fans nagwala sa concert ng Parokya ni Edgar sa Bulacan

 

By DANTE A. LAGANA

 

NAGWALA ang mga nagpupuyos sa galit na mga die-hard fans ng bandang Parokya ni Edgar na hindi nakapasok sa concert ng kanilang idolo sa Zapro Bistro Bar sa Balagtas, Bulacan nitong Sabado.
Diumano’y hindi na pinapasok ang mga ito ng organizers dahil puno na ang naturang venue.
Hindi ito sapat na dahilan sa mga galit na fans na pinagtatapon ang anuman na kanilang makita, pati na ang mga divider na pinanghaharang sa mismong entrance ng naturang bar.
Ang kaguluhan ay nai-dokumento ng isang Christian Lawrence Santos sa pamamagitan ng video na agad niyang ipinost sa Facebook.
Habang sinusulat namin ito ay may 1.9k reactions, 178k views, 3.5k comments at 3.9k shares ang video.
Ayon sa post ni Christian open gate daw kasi ang concert kaya dagsa ang tao. Maayos naman daw sa loob ng venue at nakapag-perform naman daw ng matiwasay ang Parokya Ni Edgar.
Samut sari ang comments ng netizens sa pangyayari.
Ani ng isa, “Mga taga jan ba yan? Kakahiya sila sinira nila mga taga Bulacan.”
Dagdag naman ng isa, “Mga mayayabang, akala nila e mga astig sila sa ginawa nila.”

comments