Home » Entertainment » Sanya, levels up

Sanya, levels up

By RUEL J. MENDOZA

Angsuwerte ng Kapuso actress na si Sanya Lopez dahil napili siyang leading lady sa pagsasamahan na teleserye ng Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Kapuso Drama King Dennis Trillo na “Cain at Abel.”

Sanya Lopez

Sa naganap na story conference noong nakaraang August 10, inanunsyo na kasama si Sanya sa hanay ng cast na kinabibilangan din nila Ronnie Henares, Chanda Romero, Boy 2 Quizon and Solenn Heussaff.

Ngayong buwan na raw ang simula ng taping para sa “Cain at Abel” kaya naman excited ang lahat, lalo na si Sanya.

Of course, sino ba naman ang hindi? Leading lady na siya ng hindi lang isa nguni’t dalawa sa pinakasikat at pinakamalalaking leading men ng GMA-7.

Handa na raw si Sanya sa anumang mangyari kapag nagsimula na siya sa mga eksena niya with Dong and Dennis.

Pihado na may mga bashers na magpipista sa pag-bash sa aktres, lalo na ang mga die-hard fans nila Marian Rivera (na misis ni Dong) at Jennlyn Mercado (girlfriend ni Dennis).

Pero para kay Sanya, trabaho lang ang lahat at hindi niya pakakawalan ang oportunidad na makasama sina Dong at Dennis.

“This is once in a lifetime opportunity para sa tulad ko na nagsisimula pa lang. Baka hindi na dumating ang pagkakataon na ito. Laging isipin ng fans na trabaho lang itong ginagawa namin,” ngiti pa ni Sanya.

Isa si Sanya sa fast-rising leading ladies ng GMA-7. Mula sa programang “Walang Tulugan with the Master S h o w m a n , ” n a p a s a m a si Sanya sa teleserye na “The Half-Sisters” kunsaan napansin siya at nabigyan ng malaking break bilang si Sang’gre Danaya sa reboot ng “Encantadia.”

Makaraan nito, pinagbida agad si Sanya sa afternoon teleserye na “Haplos” na naging top-rater din.

Umani na ng maraming parangal si Sanya, kabilang na rito ang Huwarang Artista ng Taon para sa mga Kabataan from 3rd Indieng- Indie Short Film Festival Awards in 2016 at ang German Moreno Youth Achievement Award from F AM AS 2016.

comments