Home » Opinion » Alex-syon of the Day » Menudong lasang delubyo

Menudong lasang delubyo

 

By ALEX CALLEJA

 

ANG column na ito ay gina­wa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o mala-king problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

* * *

Hi Alex,

Laging sinasabi na may langit at may impyerno. Kapag mabait ka, sa langit ka pupunta, kapag masama ka, sa impyerno. Malamig sa langit, mainit sa impyer­no. Naniniwala ka ba may langit at may impyerno?

Melody ng Parañaque

Hi Melody,

Naniniwala ako. Noong wala pa akong asawa, magulo ang buhay ko, tambay, inom, gimik. Kung saan-saan ako napupunta. Walang direksyon ang buhay, tulog, tambay at kain. Parang impyerno ang buhay ko. Ngayong may asawa na ako, na-realize ko, langit pala ang buhay ko nun. Pinaramdam kasi ng misis ko kung ano talaga ang totoong impyerno!

* * *

Hi Alex,

Pagod na pagod na ako sa pagtratrabaho! Gusto ko ng mag-resign! Lagi na lang akong inuutusan ng boss ko! Walang awa! Kahit holiday, pinapapasok pa ako! Laging nagpapa-overtime! Akala mo, alila ang tingin sa akin! Ano ba ang dapat kong gawin Tito Alex?

Ricardo ng Makati

Hi Ricardo,

Kung may sapat kang ipon, sige, umalis ka at mag-resign! Kung wala ka namang pera at wala kang malilipatang trabaho, tiis lang! Sige lang, sumulat ka lang ng sumulat sa akin para may mapaglabasan ka ng stress mo. Para mawala ang galit mo sa boss mo, pa-print mo ang picture niya, yung malaki, idikit mo sa wall ng bahay niyo. Kapag stress na stress ka sa work mo, pag-uwi mo, gawin mong dart board ang mukha niya!

* * *

Hi Alex,

Nag-aaral magluto ang asawa ko. Ang sama ng lasa! Ang problema, ako ang taga-tikim! Sa akin pinapakain ang mga nilu­luto niya! Ang problema pa, menudo at sinigang na baboy lang ang alam niyang lutuin. Hindi ko talaga masikmura! Yung menudo, lasang delubyo! Yung sinigang, lasang ti­mang! Ano ba ang dapat kong gawin?

Martin ng Mandaluyong

Hi Martin,

Magdahilan ka sa misis mo na nagpacheck-up ka at maraming pagkain ang bawal sa’yo. Kapag menudo, bawal ang atay at baboy! Kapag sini­gang, sumasakit ang sikmura mo sa maasim na pagkain. Kapag hindi umubra at pinipilit ka pa rin niyang kumain, bumili ka ng pusa. Kapag hindi nakat­ingin ang misis mo, sa pusa mo ipakin ang niluto niya!

* * *

Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: alex­calleja1007@yahoo.com

facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007

comments