Home » Entertainment » Mike Enriquez, ooperahan

Mike Enriquez, ooperahan

 

By RUEL J. MENDOZA

 

MIKE Enriquez

MIKE Enriquez

NASAAN nga ba si Mike Enriquez?

Ilang linggo na kasing hindi napapanood si Kuya Mike sa news program ng GMA-7 na “24 Oras” at sa kanyang morning radio program sa DZBB.

Sa naging exclu­sive in­terview kay Kuya Mike, sinabi nito na on medical leave siya da­hil nagpapagaling siya ng kanyang kid­neys at sasailalim siya sa isang heart bypass operation sa September.

Heto ang kanyang official state­ment:

“Ako po ay kasalukuyang naka ‘med­ical leave.’ Ginagamot ang aking kidney at ako ay nakatakdang sumailalaim sa operasyon sa puso sa Setyembre.

“Ayon sa aking mga doctor, makaka-balik ako sa aking normal na trabaho mga dalawa hanggang apat na linggo pakatapos ng operasyon. Pinayuhan ako na magpahinga at magpalakas para makaiwas sa anumang emergen­cy hanggang ako ay maoperahan.

“Habang wala ako sa himpapawid, patuloy kong tinutupad ang aking mga responsibilidad bilang president ng RGMA Network, Inc at bilang Consul­tant For Radio ng GMA Network Inc.

Dagdag pa niya, “Nagpapasalamat po ako sa mga nagpahayag ng suporta at lalo na sa mga nagdarasal para sa aking paggaling.

“Magagaling at maalaga ang aking mga doctor at napaka bait at mapag­mahal ng Poong Maykapal!”

“Ang pangako ko po, babalik po ako,” paniguro ni Kuya Mike.

comments