Home » Entertainment » Jennylyn gustong tumulong

Jennylyn gustong tumulong

  

By RUEL J. MENDOZA

 

JENNYLYN Mercado (IG)

JENNYLYN Mercado (IG)

NAIS magpaabot ng kanyang tulong ang Ultimate Star na si Jennylyn Mercado sa isang bata na kailan lang ay nag-viral ang video dahil sa ginawang pambubugbog dito ng kanyang stepmother.

Sa news pro­gram na “24 Oras” napa­nood ng Ka­puso lead­ing lady ang nangyari sa naturang bata at agad niyang inalam kung saan puwedeng makontak ang mga nag-aalaga sa bata via Facebook.

Ani sa post, “Can anyone inform us how we can reach out to this poor girl? Jennylyn Mercado ex­perienced child battery when she was barely 3. Jennylyn survived because her Mommy Lydia saved her from further physical, spiritual and emotional abuse. Jennylyn would like to extend her support to this girl. Please let us know.”

Hindi naman kaila sa la­hat ang pinagdaanan ng kauna-unahang StarStruck Ultimate Female Survivor noong bata pa siya sa ka­may ng kanyang stepfa­ther.

Iniwan siya rito ng kanyang tunay na ina na nagtatra­baho sa ibang bansa.

Naligtas si Jennylyn ng kanyang tiya­hin na si Lydia Mercado.

Si Mommy Lydia na ang umampon kay Jennylyn at ito na ang nakilalang ina ng aktres.

Sumakabilang-buhay na si Mommy Lydia noong October 2016 dahil sa sakit na pneumonia.

comments