Home » Entertainment » Glaiza, pahinga muna

Glaiza, pahinga muna

 

By DELIA CUARESMA

 

GLAIZA de Castro

GLAIZA de Castro

PAHINGA muna sa showbiz work ang aktres at singer na si Glaiza de Castro.

Ito ay dahil gusto niyang bumalik sa eskwela.

Apparently, gustong tuparin ni Glaiza ang pangarap na mag-aral ng music production sa UK.

Pero nilinaw ng aktres na sandali lang naman daw siya mawawala.

“Few weeks lang, hindi naman ako mawawala ng isang taon o tatlong taon,” aniya sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMANews “24 Oras Weekend” nitong Sabado.

Sa ngayon, patuloy na ma-i-enjoy ng kanyang fans si Glaiza via afternoon drama series “Contessa.”

comments