Home » Entertainment » KathNiel, hinay-hinay lang sa PDA

KathNiel, hinay-hinay lang sa PDA

 

By ROWENA AGILADA

KATHRYN Bernardo and Daniel Padilla

KATHRYN Bernardo and Daniel Padilla

 

PINAGTATALUNAN ng fans kung alin sa KathNiel at JoshLia love teams ang mas grabe ang PDA (public display of affection)? Kabog nila ang LizQuen at JaDine love teams sa paglalambingan sa harap ng maraming people.

Inamin nina Julia Barretto at Joshua Garcia na pinagsabihan na sila ng management ng Kapamilya Network na bawas-bawasan nila ang kanilang PDA. Si Julia ay parating pinapaalalahanan ng kanyang Mommy Marjorie Barretto tungkol sa pagpi-PDA nila ni Joshua.

Noong presscon ng “The Hows of Us,” may PDArin sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Holding hands sila noong pumasok sila sa venue ng presscon. Habang ongoing ang Q & Aportion, nakapatong ang isang kamay ni Daniel sa lap ni Kathryn. Sa iisang baso rin sila uminom noong sabay silang nauhaw.

Mas ma-PDAsi Daniel kesa kay Kathryn. Dahil kaya ‘andun ang mommy ni Kathryn, kaya behave lang siya? Tanggap naman nito ang relasyon ng dalawa. Maalaga raw at marespeto si Daniel, hindi lang kay Kathryn, kundi sa buong pamilya nila.

Opening day ngayon ng “The Hows of Us” at muling huhusgahan sa takilya ang KathNiel love team.

 

KATRINA Halili (IG)

KATRINA Halili (IG)

Bait-baitan

For a change, hindi kontrabida role si Katrina Halili sa indie film na ginagawa niya. Isa siyang probinsiyanang rape victim. Pinaitim pa siya at wala siyang speaking lines.

Ani Katrina, big challenge ito sa kanya dahil mga mata lang niya ang pinapaarte niya. Mahirap daw pala. Akala raw niya noong tanggapin niya ang role ay madadalian siya dahil wala siyang dialogue.

Challenge rin sa Kapuso actress na bait-baitan ang karakter niya. Nasanay kasi si Katrina sa bad girl role na nang-aapi at nagpapahirap sa mga bidang babae na nakakatrabaho niya sa mga teleseryeng ginagawa niya.

 

JACKIE Rice (IG)

Thankful

Balik-“Bubble Gang” na si Jackie Rice dahil natapos na niya ang taping ng “Hindi Ko Kayang Iwan Ka.” Nag-leave siya sa naturang sitcom dahil nag-focus siya sa taping ng “HKKIK.”

Thankful si Jackie sa meaty role na ipinagkatiwala sa kanya sa “HKKIK.” Kahit sobrang sama ng karakter niya bilang Ava, thankful si Jackie dahil nagawa niyang kainisan siya ng televiewers. Ibig daw sabihin, effective ang portrayal niya. Ayaw niyang mag-spoiler kung ano’ng mangyayayri sa karakter niya. Abangan na lang daw sa last episode nito sa Biyernes.

comments