Home » Opinion » Alex-syon of the Day » Abangers muna, hintay lang

Abangers muna, hintay lang

 

By ALEX CALLEJA

 

ANG column na ito ay gina­wa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o mala-king problema, la­hat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

* * *

Hi Alex,

Binata po ako at may bestfriend ako. Ang best­friend ko po ay isang babae. Maganda po siya. Mata­gal na kaming magbest­friend (10 years). Habang magbestfriend po kami ay nagkaroon po siya ng boy­friend. Bago pa lang sila ng boyfriend niya (two months) Ngayon po, narealize ko na may gusto ako sa kanya. Hindi niya alam dahil hindi ko sinasabi sa kanya at wala rin akong pinag­sasabihan na iba kungdi ikaw lang, Tito Alex. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Nagseselos na nga ako kapag nakikita ko siyang kasama ang boyfriend niya! Ano kaya ang gagawin ko? Magsasabi na ba ako sa kanya na may gusto ako sa kanya?

Malvin ng Quiapo

Hi Malvin,

Ang tagal mong naging best­friend tapos ngayong nagk­aboyfriend, sasabihin mo na nagkakagusto ka sa kanya! Wag mong sasabihin sa kanya, may boyfriend eh, two months pa lang, malamang in-love na in-love pa sa boyfriend niya yan! Ganito gawin mo, hintayin mo lang ang panahon na mag-away sila ng boyfriend niya! Dahil ikaw ang bestfriend, tatakbo sa’yo yan, umiiyak! Mag-inuman kayo! Pakita mong concern ka! Maki­nig ka sa kanya, pakinggan mo ang problema, kunyari concern ka sa boyfriend. Kunyari nakiki­nig ka para bigyan siya ng payo. Pag-umiyak, yakapin mo, hin­tayin mong magkatitigan kayo! Sureball yan, kinabukasan, kayo na! Ang tawag dyan, ABANGERS! Hintay ka lang!

* * *

Hi Alex,

Grade 10 po ako at may exam kami next week! Gusto ko pumasa kasi mad­ami na akong bagsak na grades sa mga subjects ko. Desperado na akong makapasa. Lahat gagawin ko para pumasa. Gusto ko nga gumawa ng kodigo. Madami nagbibigay sa akin ng payo na ilagay ko daw ang kodigo ko sa ilalim ng sapatos, may iba naman isulat ko daw sa palad ko. May nagsasabi rin na pu­masok ako ng maaga at isulat ko sa desk ang mga sagot. Ang iba naman, isulat ko daw ang sagot sa pantalon ko, isingit ang kodigo sa medyas! Ano ba ang pinakaeffective gawin para pumasa?

Kevin ng Antipolo

Hi Kevin,

Bakit hindi mo ilagay ang kodigo mo sa talukap ng mata mo para kapag pumipikit ka, makikita mo ang sagot! O kaya, yung kodigo mo, isaksak mo sa baga mo! Ang pinaka-effective na paraan para pumasa ay mag-aral mabuti!

* * *

Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: alex­calleja1007@yahoo.com

facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007

 

comments