Home » Entertainment » Ken Chan, may pinagdaraanan

Ken Chan, may pinagdaraanan

 

By ROWENA AGILADA

KEN Chan and Arra San Agustin (IG)

KEN Chan and Arra San Agustin (IG)

 

DEDICATED ni Ken Chan sa kanyang father ang “My Special Tatay” na mapapanood simula Sept. 3 sa GMA After­noon Prime. May stage 2 cancer sa esophagus ang tatay niya at na­katakdang sumailalim sa chemo­therapy sessions sa mga darating na araw.

May kidney ailment din ang fa­ther ni Ken. Kahit may pinagdaraan­an, sinisikap ni Ken magpakatatag. Aniya, ang father niya ang nagpa­palakas ng loob niya.

Ramdam niya ang suporta nito, kaya gagawin niya lahat ng kanyang makakaya sa “MST” para maging proud ito sa kanya. Sinabi niya sa kanyang daddy na dedicated niya rito ang “MST.”

Sa show, Ken plays Boyet na may mild intellectual disability with mild autism spectrum disorder. Bilang paghahanda sa kanyang role, nagkaroon siya ng immersion, kung saan nakisalamuha siya sa mga taong may mental disability. Nag-research din siya at nanood ng mga pelikulang may gano’ng tema.

In real life, wala pang anak si Ken. Sa “MST,” father na siya. Hindi naman siya nahira­pan da­hil ma­hilig siya sa bata. Ang nahira­pan siyang gampanan ay ‘yung pagiging mentally disabled ng karakter niya.

 

Personal choice

Si LA Madridejos ang direk­tor ng “My Special Tatay” na aniya, personal choice niya si Ken Chan para gumanap bilang Boyet. Wala siyang naisip na ibang Kapuso actor na puwedeng magbigay-buhay sa karakter kundi si Ken lang.

Nagkatrabaho na sila sa ilang GMA projects, kaya alam ni Direk LA ang kapasidad ni Ken bi-lang isang aktor.

 

Crush

Magkatrabaho muli sina Ken at Arra San Agustin sa “MST.” Una’y sa “The Cure” kung saan kinakitaan sila ng screen chemistry. Sa media­con ng “MST,” sinabi ni Arra na gusto niya katrabaho si Ken dahil mabait at magaling itong umarte. Nakakadala raw ito sa mga eksena nila together, kaya hangang-hanga siya kay Ken.

Inamin naman ni Ken na crush niya si Arra.

Tampok din sa “MST” sina Jil­lian Ward, Teresa Loyzaga, Jestoni Alarcon, Bruno Gabriel, Rita Dan­iela, Carmen Soriano, Candy Pang­ilinan at Lilet.

May special participation sina Empress Schuck, Valeen Monte­negro, Matt Evans at Ashley Ri­vera.

 

Abangan

Abangan ang huling episode ngayon ng “Hindi Ko Kayang Iwan Ka.” Tutok lang sa mga kaganapan. Umaasa si Mike Tan na bibigyan agad siya ng GMA7 ng bagong project.

Pregnant ang wife niya at kailangan niya ng tra­baho.

comments