Home » Entertainment » Motherhood tips from Iya

Motherhood tips from Iya

 

By RUEL MENDOZA

IYA Villania-Arellano and her son Primo. (IG)

IYA Villania-Arellano and her son Primo. (IG)

 

ISANG linggo lang pagkatapos manganak ni Iya Villania sa sec­ond baby nila ni Drew Arellano na si Leon, agad-agad na umariba na siya sa kanyang mommy duties.

Sa kanyang Instagram post, makikita na happy si Iya sa pag-asikaso sa dalawang anak nila ni Drew.

Aniya sa caption ng isang photo na ipinost niya, “What mother­hood’s been look­ing like for me. Milk collecting and feed­ing while still giving the kuya time, love and atten­tion. Can’t believe I’m a mother of 2!!!”

Isa ang breastfeeding sa pinakamabisang paraan para mag-lose si Iya ng kanyang tinatawag na baby weight. Kaya naman sina-suggest niya ito sa maraming mommies.

Isa pang helpful tip ni Iya sa mga mommies na bagong pan­ganak ay kumuha agad ng night nurse para matulungan sila sa iba’t ibang pangangailangan ng baby.

Kuwento niya, “When we got home with Primo as a newborn, I tried to do it all by myself. Until I started to get a little crazy and decided to get the help of a night midwife.

“This time around, I didn’t even wait! I got a night nurse the first night we got home. And it’s the best thing I did this time around.

“I highly recommend any mama with a newborn to get a night mid­wife or nurse to help with the dirty work in the middle of the night!

“They are MAJOR help! The ex­tra z’s will do you and your baby good. I’m not the only one who has great appreciation for my night nurse.”

comments