Home » Entertainment » Iza, pinatahimik ang basher

Iza, pinatahimik ang basher

 

By DELIA CUARESMA

 

KALMADONG sinagot ng aktres na si Iza Calzado ang isang fan na bumatikos sa pangangatawan niya makaraang magpost siya sa Instagram ng photo na naka-bikini.

Although may kabastusan ang fan, base na rin sa komento nito na “Para lang kasi madami na siyang anak. May mga chubby naman na firm ang katawan at di masagwang tignan lalo pag naka-bikini” na sinundan pa nito ng “Ganda ng mukha pero lawlaw na lawlaw ang katawan…” nakuha pang mag-eksplika ng matiwasay ni Iza dito.

Aniya, “I wish I could say I was merely chubby but truth is I was obese, I have lost 100 lbs (or more) 14 inches from my waist and if you think about it that’s probably like I had twins or gave birth several times.”

“Siguro nga may mga tao na kahit lumaki sila their skin remained tight and texture was great kaya lang I am not one of them.

“Trust me, not a day goes by na hindi ko inasam magkaroon ng mas magandang balat.”

Dagdag pa ni Iza, “I hope this enlightens you…”

Hindi na muling umimik ang fan na umani ng sandamakmak na batikos sa kanyang tinuran.

Binura na rin niya ang kanyang komento.

Buti nga!

comments