Home » Entertainment » Dalaga na!

Dalaga na!

 

By ROWENA AGILADA

 

JILLIAN Ward (IG)

JILLIAN Ward (IG)

HOW time flies! Thirteen years old na ngayon si Jillian Ward. Parang kailan lang noong nag-umpisa siya sa pag-aartista. She was 5 years old then na alaga ng reporter na si Joe Barrameda.

Makulit at nangangalikot noon ng notebook ng mga reporter si Jillian. Dino-drowingan pa niya ng kung anu-ano.

Sa presscon ng “My Special Tatay,” nagulat ang mga reporter kay Jillian. Dalaga na at malaking bulas sa kanyang edad. Naka-make-up , naka-mini gown at behaved na magsalita at kumilos. Hindi na nangangalikot ng notebook ng mga reporter. Ha! Ha! Ha!

Leading lady material si Jillian a few years from now. Pwede na siyang bigyan ng ka-love team.

Sa MST, she plays Odette na half-sister ni Ken Chan (as Boyet). At 13, hindi pa pwedeng ligawan si Jillian. Hanggang crush lang muna siya dahil pag-aaral at career ang focus niya. Sa ngayon, wala pa naman daw siyang crush.

 

Nagkabigayan

Scripted kaya o totoong ibinigay ni Sharon Cuneta ang kanyang bracelet kay Vice Ganda noong nag-guest siya sa “Gandang Gabi Vice”? Pang-mayaman, genuine at expensive ang bracelet na nangingislap sa maliliit na batong nakapaligid.

Hiya-hiyaan pa kunwari si Vice. Pero ipinagpilitan ni Sharon na tanggapin niya dahil wala pa raw siyang naibibigay kay Vice. Nagkatrabaho sila sa isang TV show ng megastar noong baguhan pa lamang si Vice.

Wish ni Sharon na magkatrabaho naman sila sa pelikula. Willing daw siyang babaan ang kanyang talent fee. Gusto niyang ipakita ang “baliw-baliwan” side niya sa comedy.

 

Nahikayat?

How true na diumano, si Ogie Alcasid ang humikayat kay Regine Velasquez na lumipat ito sa ABS-CBN? Sa mga interbyu kay Ogie, sinasabi niyang hindi siya nakikialam sa career ng kanyang misis.

Magkaiba sila ng manager at nagrerespetuhan sila ng desisyon. Posibleng nababanggit ni Ogie kay Regine ang working experience niya sa ABS-CBN. Maybe, naengganyo ang Asia’s Songbird na subukang maging Kapamilya na rin.

Kapag nag-ober da bakod si Regine, babalik sa kanya ang joke niya kay Ogie. Bastos daw dahil iniwan siya nito sa GMA7. Masasabihan na ring bastos si Regine, di ba? Joke lang!

comments