Home » Entertainment » Hindi pa annulled ang kasal

Hindi pa annulled ang kasal

 

By RUEL J. MENDOZA

FORMER couple Paolo Contis and Lian Paz (Photos from Instagram)

FORMER couple Paolo Contis and Lian Paz (Photos from Instagram)

DAHIL sa balitang buntis si LJ Reyes courtesy of Paolo Contis, maraming netizens ang nagtatanong kung mapapakasalan ba nito ang Kapuso actress dahil hindi pa ito annulled sa kasal nito sa former EB Babe na si Lian Paz.

May dalawang anak na babae si Paolo kay Lian bago sila naghiwalay.

Sa isang interview ni Paolo, inamin nito na wala pa ring final decision ang korte ukol sa annulment nila ni Lian.

“My case is still ongoing. Sa atin we have to respect our law and ‘yung way ng court natin. Sometimes we have to wait longer,” diin pa ni Paolo.

Sa Cebu na naka-base ang estranged wife ni Paolo kasama ang dalawang anak nila. Meron na rin itong sariling pamilya.

Plano ni Paolo na siya mismo ang magbalita sa dalawang anak niya na magkakaroon na sila ng bagong kapatid.

“Ako I would like to tell my kids personally if ever. I hope I would be able to visit them in Cebu soon and talk to them about it,” ngiti pa ni Paolo.

Noong 2010 kinasal si Paolo kay Lian at naghiwalay sila noong 2012.

Taong 2015 noong magkaroon ng relasyon sina LJ at Paolo.

Una nang nagka-anak si LJ sa aktor na si Paulo Avelino.

comments