Home » Entertainment » JakBie, nag-date sa HK Disneyland

JakBie, nag-date sa HK Disneyland

 

By RUEL J. MENDOZA

 

JAK Roberto and Barbie Forteza in Hong Kong Disneyland. (IG)

JAK Roberto and Barbie Forteza in Hong Kong Disneyland. (IG)

ALL smiles ang Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza nang mag-weekend getaway sila ng boyfriend niyang si Jak Roberto sa Hong Kong Disneyland.

Time off muna si Barbie sa kanyang character bilang Happy Lou sa teleserye n a “Inday Will Always Love You” at nagliwaliw sila ni Jak a.k.a. Ang Pambansang Abs sa HK Disneyland para sa isang tahimik na date.

Ito yata ang long overdue date ng dalawa since nag-celebrate sila ng kanilang first year anniversary bilang magsyota noong nakaraang July.

Kahit na maulan sa HK noong nandun sila, nagawa pa ring makasingit ng dalawa na mag-selfie sa “Happiest place on earth.”

Heto ang sweet na post ni Barbie sa IG:

“Get a man who would annoy you, take you to the highest of heights knowing how much you hate it and make you walk all day and get lost in the rain just to get to the shoe store. But also….. Make you laugh even when you don’t want to, eat a loooot with you even when he has a body to maintain, never tells you “You’re getting fat” even when you’re sure you are, tells you “You’re so beautiful” when you’re sweating from long walks, pulls you close and kisses you on the forehead outside that shoe store, and never lets go of your hand no matter what. I’m lucky.”

By the way, kasama ang sister ni Jak na si Sanya Lopez at ang daddy ni Barbie na si Antonio Forteza sa biyahe.

 

comments